Ilang kalsada malapit sa North Cemetery isasara simula Oct. 31

Courtesy: Jan Escosio | Radyo Inquirer

Isasara sa mga motorista ang ilang mga kalsada malapit sa Manila North Cemetery mula araw ng huwebes (Oct. 31) hanggang sa linggo (Nov. 3).

Sa abiso ng Manila Police District (MPD) Traffic Enforcement Unit kabilang sa isasara ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hanggang sa Rizal Avenue.

Sarado rin ang kanto ng Dimasalang mula sa Makiling hanggang sa Blumentritt maging ang bahagi ang P.Guevarra, Retiro at Leonor Rivera.

Ipagbabawal naman ang pagparada ng mga sasakyan sa kanto ng Retiro at Laon Laan bagaman papayagan na magparada ng sasakyan sa kahabaan ng Craig, Simoun, F. Huerta, Sulu, Oroquieta at Metrica.

Ang nasabing traffic advisory ay magsisimulang ipatupad sa alas-10:00 ng gabi ng huwebes (Oct. 31) at tatagal hanggang sa linggo (Nov. 3).

Read more...