Manager ng isang security agency nakaligtas sa ambush sa Lapu-Lapu City

Nakaligtas sa tangkang pagpatay ang manager ng isang security agency sa Bohol matapos na tambangan sa Lapu-Lapu City.

Tama ng bala sa leeg at tiyan ang natamo ng biktima na nakilalang si Demetrio Torreon.

Ayon sa ulat, pauwi na si Torreon sa kanyang bahay sakay ng isang kulay pulang pick-up truck nang pagbabarilin ng hindi tukoy na suspek sa Sitio Hawaiin sa Barangay Marigondon martes ng madaling araw.

Agad namang naisugod sa Mactan Doctors’ Hospital ang biktima matapos ang insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam na kung sino ang nasa likod at kung ano ang motibo tangkang pagpatay.

Read more...