15 arestado sa pagsalakay sa 2 hinihinalang drug den sa Bacoor, Cavite

Aabot sa 15 katao na kinabibilangan ng walong lalaki at pitong babae ang naaresto sa pagsalakay sa dalawang hinihinalang drug den sa Bacoor City, Cavite.

Unang sinalakay ang isang bahay sa Barangay Mabolo II kung saan nahuli ang nasa 6 katao kabilang ang target ng operasyon na nakilalang si Oliver Angeles, 43 anyos.

Isa pang hinihinalang drug den ang sinalakay sa Barangay Molino III at nasa siyam ang naaresto kabilang ang kilalang tulak ng iligal na droga na nakilalang si Cyreli Kuan, 44 anyos.

Nakuha sa operasyon ang nasa P62, 000 na halaga ng hinihinalang shabu at marijuana.

Ang mga naaresto ay kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...