Patuloy na nakararanas ng aftershocks sa bayan ng Tulunan sa Cotabato.
Naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.4 na lindol sa bayan ng Tulunan alas 6:21 ng umaga ngayong Miyerkules Oct. 30.
Ang epicenter ng lindol ay sa layong 30 kilometers northeast ng Tulunan.
May lalim na 7 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity V sa Kidapawan City at ang sumusunod na Instrumental intensities:
Intensity IV – Kidapawan City; Tupi, South Cotabato
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – Alabel, Sarangani
Intensity I – Kiamba, Sarangani; General Santos City; Koronadal City
MOST READ
LATEST STORIES