M5.0 na lindol yumanig muli sa Cotabato ngayong umaga

Muling niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Cotabato alas-5:22 Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 10 kilometro Timog-Silangan ng Tulunan.

May lalim ang pagyanig na 14 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Intensity V sa Kidapawan City.

Naitala naman ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity IV- Kidapawan City
Intensity II – Malungon, Sarangani
Intensity I – Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City

Hindi naman binanggit ng Phivolcs kung ito ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol kahapon.

Simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi nakapagtala ng malalakas na aftershocks sa magnitude 6.6 na lindol kahapon.

Ang naitalang aftershocks ay may lakas na hanggang magnitude 4.1.

Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na manatiling nakaalerto sa mga aftershocks.

Read more...