Amihan at easterlies magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Wala nang direktang epekto sa bansa ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, kahit naging ganap pang bagyo at isa nang tropical storm ang weather disturbance ay hindi na ito makakaapekto pa sa bansa matapos lumabas ng PAR.

Samantala, isang shallow low pressure area (SLPA) ang namataan sa layong 865 kilometro Silangan ng Davao.

Sa ngayon, mababa ang tyansa na maging ganap na bagyo ang nasabing SLPA at wala pa itong direktang epekto sa bansa partikular sa Mindanao.

Ngayong araw, ang northeast monsoon ang makakaapekto sa extreme northern Luzon at magdadala ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Easterlies naman ang umiiral sa Silangang bahagi ng bansa at magdadala ng mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon at Bicol Region.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, buong Visayas at Mindanao ay maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t malaya ang mga mangingisda na makapaglayag.

Read more...