Sa panayam ng reporters araw ng Martes, sinabi ni PAMPI spokesperson Rex Agarrado na mas mayroon silang kumpyansa sa kanilang iniimport na karne.
“We believe that it is safer for the meat processing industry not to buy local pork until they are able to assure government authorities and the consuming public that local pork is ASF-free,” ani Agarrado.
Giit ni Agarrado, posibleng mayroong mga mapanamantalang traders na samantalahin ang sitwasyon at bumili ng mga maysakit na hayop, gawin itong karne at ibenta sa PAMPI.
Ang desisyon ng PAMPI ay kasunod ng pagkakakumpiska sa ilang branded at homemade pork products na nagpositibo sa ASF.
Aabot sa 95 percent ng pork at pork materials na ginagamit ng PAMPI ay mula sa ibang bansa.
Gayunman, nagkakahalaga ng P1.3 bilyon ang halaga ng local pork na inaangkat ng PAMPI.
Samantala, sinabi naman ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na walang epekto ang boycott ng PAMPI sa domestic pork.
Giit ni So, 80 percent ng meat processors sa bansa ay hindi naman miyembro ng PAMPI.
Iginiit pa ng SINAG na ligtas ang baboy sa bansa at sususportahan nila ang meat processors na patuloy na kukuha sa local hog farmers.
Maging si National Federation of Hog Farmers, Inc. (NFHFI) Chairman and President Chester Warren Tan ay nanindigang ligtas ang local pork.
“Yung local pork natin, in the first place, sabi nga natin, safe, no … And secondly, tayo ba ay bibili ng produkto galing sa ibang bansa o galing sa isang lugar na may ASF? Hindi natin gagawin yon,” ani Tan.