3 arestado sa Oplan Bakal sa Makati City

Timbog ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng mga baril sa operasyon ng pulisya sa Makati City Miyerkules ng madaling araw.

Arestado ang mga suspects na sina alyas Winefredo, 31 anyos, alyas Junrex, 35 anyos at alyas Melvin, 36 anyos na kapwa mga driver.

Sa gitna ng Oplan Bakal ay naispatan ng mga pulis ang tatlo na nag-iinuman at nang kapkapan ay nakitang may dalang mga baril.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento para sa mga baril ay walang maipakita ang tatlo.

Nakuha sa mga suspects ang dalawang kalibre .45 at isang 9mm at mga bala.

 

Read more...