3 arestado sa buy bust sa QC

Arestado ang tatlong suspects sa buy bust operation sa Bgy. Bagbag Novaliches, Quezon City Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Police Captain Dennis Francisco, target ng operasyon si alyas Ina na nagbenta ng droga sa isang poseur-buyer.

Nahuli rin ang mga kasama nitong lalaki at isang binatilyo.

Nakuha sa mga suspects ang mahigit 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

 

Read more...