Presyo ng noche buena products inaasahang tataas

May inaasahang pagtaas sa presyo ng Noche Buena products o mga inihahanda gabi bago ang araw ng Pasko ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Assistant Secretary Claire Cabochan, marami ang produktong may taas-presyo pero magiging bahagya na lang ito matapos pakiusapan ng kagawaran ang manufacturers.

Inaasahang tataas ang presyo ng condensed milk, fruit cocktail, hamon, keso at pasta.

Sa Huwebes, November 1 ilalabas ng DTI ang panibagong suggested retail price (SRP) ng Noche Buena products.

Ayon kay Cabochan, hinihintay na lang ang pagpayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa inihihirit na taas-presyo.

 

Read more...