DFA: Operasyon ng ilang consular office sa Mindanao suspendido

Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng ilan sa kanilang consular office sa Mindanao.

Ito ay matapos yumanig ang malakas na lindol sa Mindanao, Martes ng umaga.

Sa abiso, sinabi ng kagawaran na suspendido ang operasyon ng kanilang consular offices sa Davao City, Cotabato City, Cagayan de Oro City, Tagum City at General Santos City.

Ayon sa DFA, maaring ma-accommodate ang mga aplikante na may confirmed appointments hanggang November 29.

 

Read more...