Cleaning at flushing operations isinagawa sa Manila North Cemetery

Sinimulan na ang paglilinis sa Manila North Cemetery bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Batay sa mga larawang ibinahagi ng Manila Public Information Office (PIO), nagsagawa ng cleaning at flushing operations sa nasabing sementeryo, Martes ng umaga.

Inalis ng ilang tauhan ng Manila Department of Public Services (DPS) ang mga kalat sa paligis ng sementeryo lalo na main entrance nito.

Inaasahang dadagsa ang mga tao para bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay.

 

Read more...