Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa kabuuang 95.4 percent ang sakop ng kampaniyang “Sabayang Patak Kontra Polio” sa buong bansa.
Sa National Capital Region (NCR), umabot aniya sa 96 percent ng target ng kagawaran ang nabigyan ng bakuna habang sa Mindanao naman ay 93.6 percent.
Kabilang sa polio immunization program ang mga batang may edad limang taon pababa.
Sakop ng unang round ng programa ang Metro Manila at ilang parte ng Mindanao partikular sa Lanao del Sur, Marawi City, Davao del Sur at Davao City.
Sisimulan ang ikalawang round ng polio vaccination program sa November 25, 2019.