PNP units ipinakalat sa mga lugar sa Mindanao na tinamaan ng lindol

Ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang units sa mga probinsya na apektado ng magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ipinag-utos na ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa sa lahat ng Police Regional office director na rumesponde sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Binigyan na aniya ng direktiba ang mga pulis sa Mindanao na makipag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Layon aniya nitong makatulong sa pag-asiste sa nasabing rehiyon.

Kasabay nito, hinikayat ng PNP ang mga residente sa Mindanao na manatiling kalmado.

 

Read more...