Higit 68,000 pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG).
Batay sa monitoring ng PCG mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi araw ng Martes, umabot sa kabuuang 68,596 ang bilang ng outbound passengers.
Pinakamarami ang pasahero sa Central Visayas (Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes) na umabot sa 16,031.
Sumunod ang Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras) na umabot sa 14,352 ang bilang ng mga pasahero.
Marami na rin ang pasahero sa South Eastern Mindanao (Davao at Igacos) na nakapagtala ng 8,895.
Tuloy-tuloy ang monitoring ng PCG para sa mga bumibiyaheng pasahero sa lahat ng pantalan sa bansa sa ilalim ng ‘Oplan Byaheng Ayos: Undas 2019’.
MOST READ
LATEST STORIES