Higit P1M halaga ng shabu nasabat sa Pasay City; 5 arestado

File photo

Arestado ang limang suspects sa operasyon ng pulisya malapit sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City Martes ng gabi.

Kabilang ang 17 anyos na babae sa mga naaresto sa Karada entrance malapit sa Ocean Drive ng MOA.

Naaresto ang mga suspects sa follow-up operation ng Quezon City Police District (QCPD) kasunod ng pagka-aresto sa mga unang suspects.

Sa operasyon ng QCPD sa Payatas, Quezon City noong October 24 ay itinuro ang limang naaresto na umanoy supplier ng droga.

Nakuha sa lima ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

 

Read more...