3 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Naga City

File photo

(Update) Tatlong lalaki ang napaulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan sa pamamaril sa Balatas Road, Naga City, Camarines Sur pasado alas 10:00 ngayong gabi.

Nangyari ang shooting incident sa harap ng dalawang pribadong sementeryo.

Nabatid na dalawa sa tatlong mga namatay ay mga security officers ng Sto. Niño Memorial Park.

Dinala naman sa ospital ang dalawang sugatan sa insidente.

Ayon sa pulisya, isang lalaki ang bumaril sa mga guwardiya pero gumanti ang mga ito kaya  napatay din ang namaril.

Iniimbestigahan ang impormasyon na away sa lupa ang dahilan ng krimen.

 

Read more...