CAAP airports, walang pinsala matapos ang 6.4 magnitude na lindol sa Tulunan, North Cotabato

Hindi napinsala ang ilang paliparan sa lalawigan ng Mindanao matapos mangyari ang malakas na pagyanig sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) maayos at hindi nasira ang mga infrastructure, runway at facility ng Butuan Airport, Davao International Airport, Cotabato Airport, General Santos International Airport, at Laguindingan Airport.

Gayundin ang sa Ozamiz Airport, Camiguin Airport at Iligan Airport.

Ang safety and serviceability inspections ay ginawa ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS), Aircraft Rescue and Firefighting (ARFF), Air Navigation Service (ANS), at mga airport engineer.

Kabilang sa mga ininspeksyon ay ang passenger terminal building (PTB), tower, runway, VHF Omnidirectional Radio Range (VOR), at iba pang navigational aid shelters.

Bandang alas-9:00, umaga ng Martes, Oct. 29 tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa bayan ng Tulunan sa nasabing lalawigan na sinundan pa ito ng ilang mga aftershock.

Read more...