Duterte seryoso sa alok na drug czar kay Robredo

FULL MILITARY HONORS FOR DUTERTE/ JULY 1,2016
President Rodrigo Roa Duterte and Vice President Leni Robredo during full military honors for Duterte at the AFP Change of Command riters held at Camp Aguinaldo.
INQUIRER PHOTO/JOPAN BONDOC

Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa alok kay Vice President Leni Robredo na maging drug czar.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, katunayan, padadalhan ng sulat ng palasyo si Robredo para gawing pormal ang alok ng pangulo.

Kung hindi aniya seryoso ang pangulo, hindi na sana inanunsyo ang alok nito kahapon sa national television.

Una rito, sinabi ni Robredo na hindi na muna siya tutugon sa pahayag ng pangulo dahil hindi tiyak kung seryoso ang punong ehekutibo.

Base sa alok ng pangulo, ipauubaya niya muna kay Robredo ang pamamahala sa anti drug war sa loob ng anim na buwan.

Read more...