Tinawag na naghuhugas kamay lamang ni Albay Rep. Edcel Lagman si Pangulong Duterte sa kanyang kabiguan sa war on drugs kaya ipinapasa nito ang problema kay Vice President Leni Robredo para resolbahin ito.
Ayon kay Lagman, consistent ang pagpuna ni Robredo sa extrajudicial killings ng administrasyon sa mga suspek na umano’y improvised lamang.
Wala anyang kapangyarihan at mandato mula sa konstitusyon na maaaring kunin ng bise presidente ang hamon o alok ni Duterte.
Paliwanag ni Lagman, ito ay dahil hindi naman alter ego ng pangulo maliban na lamang na si Robredo ay kritiko ng presidente na wala namang kapangyarihan.
Iginiit nito na bigo ang kamay na bakal na pinaiiral kampanya ng pulisya at militar laban sa mga pusher at users sa Estados Unidos, Mexico, Columbia at Thailand dahil sa ang problema umano sa droga ay may kaugnayan sa kahirapan at problema sa kalusugan at hindi police matter.
Matatandaan na inihyag ni Pangulong Duterte na isasailaim niya ang kanyang police power kay Robredo para siyang magresolba ng problema sa droga sa bansa matapos itong batikusin ng Bise Presidente.