Dating Sol. Gen. Florin Hilbay, sinopla ng malakanyang matapos makisawsaw sa alok na anti-drug czar kay VP Robredo

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa pakikisawsaw ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na gawing anti-drug czar.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na kahibangan ang pahayag ni Hilbay na dapat nang ipasa ni Pangulong Duterte ang buong kapangyarihan ng presidency kay Robredo.

Hindi na aniya pinapansin ng palasyo ang mga kahalintulad na pahayag ni Hilbay.

Iginiit ni Panelo na malinaw naman ang sinabi ng Pangulo na gagawin nitong drug czar si Robredo para maranasan nito kung papano pangasiwaan ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga, at hindi ibibigay sa kanya ang buong kapangyarihan.

Read more...