Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na tanging ang pangulo lang ng bansa ang may kapangyarihan at awtoridad sa lahat ng mga opisyal ng mga ahensiya na nagpapatupad ng batas.
Aniya maliban na lang kung ibibigay niya ay ‘blanket authority’ kasama na ang kapangyarihan na magsibak at kumuha ng mga opisyal, mananatili sa Punong Ehekutibo ang natatanging kapangyarihan at awtoridad.
Reaksyon ito ni Lacson sa sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng kapangyarihan si Vice President Leni Robredo na pamunuan ang kampaniya kontra droga ng anim na buwan.
Dagdag pa nito, madaling napipikon si Pangulong Duterte sa tuwing binabatikos ang kanyang mga pangunahing programa tulad ng kampaniya kontra korapsyon at droga.
Aniya ang dalawang programa ay kapwa kasama sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampaniya.