Nanindigan ang Malacanang na patunay lamang na hindi palpak ang anti-drug war campaign ng administrasyon kung hindi tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na tanggapin ni Robredo ang alok ng pangulo para mapatunayan ang kanyang kagitingan at makatulong na rin sa pamahalaan.
Isa aniyang pambihirang pagkakataon ang alok ng pangulo kung kaya dapat itong samantalahin ni Robredo.
“If she it only shows that it is not true that this war on drugs is a failure and that there should be more or other measures to be undertaken,” ayon pa sa kalihim.
Sinabi pa ni Panelo na matapos ihayag kahapon ng pangulo ang alok ay agad niyang tinext si Robredo para hingin ang sagot nito.
Pero hanggang ngayon, wala pa aniyang tugon sa kanya si Robredo.