Mga pasyente sa ospital sa Kidapawan City inilikas dahil sa lindol

Inquirer file photo

Inilikas ang daan-daang pasyente sa isang ospital sa Kidapawan City matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, Cotabato Martes ng umaga.

Naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng Mindanao.

Pansamantalang nanatili ang ilang pasyente sa labas ng Kidapawan Doctors Hospital.

Ang ilan naman ay nanatili muna sa malapit na gym at basketball court sa lugar.

Nagkaroon din ng crack ang pader sa nasabing ospital.

Patuloy naman ang isinasagawang assessment sa ospital, maging sa iba pang pasilidad at gusali sa Kidapawan City.

Read more...