Lucio “Bong” Tan Jr. bagong pangulo ng PAL Holdings Inc.

May bago nang mamumuno sa PAL Holdings Inc. (PHI) na siyang namamahala sa operasyon ng Philippine Airlines (PAL).

Si Lucio “Bong” Tan Jr. na ang siyang bagong talagang PHI president base sa inilabas na pahayag ng kanilang corporate secretary na si Ma. Cecilia Pesayco.

Ito ay makaraang magbitiw sa kanyang pwesto si dating PHI President Gilbert Gabriel Santa Maria epektibo noong Oktubre 28.

“Personal reasons” ang sinasabing dahilan sa pagbaba sa pwesto ni Santa Maria.

Inanunsyo rin ng PHI ang appointment ni Joseph Chua bilang director at miyembro ng Corporate Governance Committee (CGC) samantalang si Johnip Cua naman ay napili bilang bagong CGC member.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng Philippine Airlines Inc. na mananatili si Santa Maria bilang president at chief operating officer ng kumpanya.

Sa kanilang monthly board meeting noong October 28, ay iniulat ni Santa Maria  ang kanyang tagumpay bilang pinuno ng PHI na tinanggap naman ni PAL chairman Lucio Tan.

Read more...