Visitation rights sa maximum security compound ng Bilibid papayagan na muli simula bukas, Oct. 30

Simula bukas, Oct. 30 ay papayagan na muli ang visitation rights sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) maari na muling bumisita ang pamilya ng mga bilanggo na nasa maximum security compound ng NBP.

Sinabi ni Atty. Wena Dalagan tagapagsalita ng BuCor, sasailalim sa matinding pagsusuri, kabilang ang body frisking at strip searching kung kakailanganin ang mga bibisita.

Susuriin din ang lahat ng kanilang gamit, bago makapasok sa Bilibid.

Kasabay nito ay nagpalabas ng schedule ang BuCor ng oras ng pagbisita sa Bilibid at ginawa itong “per-quadrant basis.”

Narito ang schedule ng pagbisita sa Bilibid na ipatutupad mula Oct. 30:

NBP NORTH
QUADRANT 1 (Miyerkules at Sabado)
BLDG. 1 – 7:30AM to 9:00AM
BLDG. 6 – 8:30AM to 10:00AM
BLDG. 12 – 9:30AM to 11:00AM
HOSPITAL WARD 1, 3, 5 and Annex – 9:00AM to 10:00AM

NBP WEST
QUADRANT 2 (Huwebes at Linggo)
BLDG. 4 – 7:30AM to 9:00AM
BLDG. 7 – 8:30AM to 10:00AM
BLDG. 11B – 9:00AM to 11:00AM
HOSPITAL WARD 2, 4 and TBTU – 9:00AM to 10:00AM

NBP SOUTH
QUADRANT 3 (Miyerkules at Sabado)
BLDG. 3 – 10:30AM to 12:00NN
BLDG. 8 – 11:30AM to 1:00PM
BLDG. 13 – 12:30AM to 2:00PM

NBP EAST
QUADRANT 4 (Huwebes at Linggo)
BLDG. 2 – 10:30AM to 12:00NN
BLDG. 5 – 11:30AM to 1:00PM
BLDG. 9 – 12:30AM to 2:00PM

Wala namang pagbisita na papayagan kapag araw ng Lunes at Martes.

Read more...