Ayon kay Herrera-Dy, dapat tiyakin ng mga otoridad walang mahahalong karne na botcha o double-dead na baboy lalo na sa processed meat products gaya ng tocino, longganisa at hotdog.
Bagaman mapagkakatiwalaan ang pahayag ng Department of Health (DOH) na hindi nakakahawa sa tao ang ASF, nakababahala aniya ang posibilidad na namatay pala sa naturang virus ang baboy na inihahain sa hapag-kainan.
Pinakiusapan din nito ang mga hog raisers na huwag nang ipuslit, katayin o gilingin ang mga alagang may sakit para lamang mabawi ang puhunan.
Mainam naman aniya kung bibigyan ng Agriculture Department ng cash assistance ang hog raisers kasama na ang large-scale ventures para hindi na itago o ipuslit ang mga may sakit na baboy.
Kailangang din anyang magpakalat ng mga tauhan ang DILG pati na mga barangay tanod para tumulong sa DA na siguruhing ligtas ang suplay ng karne sa bansa.