Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon makararanas ng pag-ulan

Uulanin sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central at sa Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA, alas 11:36 ng umaga ng Martes (Oct. 29) ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang Zambales, Quezon at Pampanga.

Ganitong lagay ng panahon din ang nararanasan sa Dona Remedios Trinidad at San Miguel sa Bulacan, sa Tarlac at sa Nueva Ecija.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lalawigan na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...