Sa datos ng Coast Guard mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng Martes, Oct. 29 ay umabot sa 27,406 ang namonitor nilang outbound passengers sa mga pantalan sa bansa.
Sa Southern Tagalog nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng pasahero na umabot sa 7,902. Kabilang dito ang mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon.
Sa Central Visayas umabot sa 5,258 ang naitalang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes.
Habang sa South Eastern Mindanao ay umabot sa 5,087 ang bumiyaheng pasahero sa pantalan ng Davao at Igacos.
Marami ring pasahero ang bumiyahe sa Western Visayas, Bicol, Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Southern Visayas.
Magpapatuloy ang monitoring ng coast guard sa mga bumibiyaheng pasahero sa lahat ng pantalan sa bansa sa ilalim ng kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019”.