DOLE: “No Work, No Pay” sa November 1 at 2

No work, no pay ang polisiya na iiral para sa mga manggagawang papasok sa November 1 at 2, All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon sa advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang November 1 at 2 ay special non-working days lamang kaya’t ang mga hindi papasok sa trabaho ay walang sweldo.

Maliban na lamang kung mayroon umanong favorable policy, practice o collective bargaining agreement ang kumpanya na sasahod ang mga manggagawa.

Ang mga papasok sa nasabing mga araw ay makatatanggap ng karagdagang 30 percent ng kanilang arawang sweldo para sa unang walong oras.

Kapag sumobra naman sa walong oras, ang manggagawa ay dapat makakuha ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate.

Samantala, sinabi ng DOLE na ang empleyadong magtatrabaho sa special day kahit na rest day ay dapat makatanggap ng 50 percent sa unang walong oras ng trabaho, bukod pa ang 30 percent na dagdag sa hourly rate kung sobra sa walong oras.

Read more...