Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay outgoing Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa naging mahalagang papel nito para gumanda pa ugnayan ng Pilipinas at China.
Nakapulong ni Duterte si Zhao sa farewell call sa Palasyo ng Malacañang araw ng Lunes.
Umaasa ang presidente na magiging kasing-galing ni Zhao ang susunod na Chinese ambassador sa bansa o hindi kaya ay higit pa.
Nagpaabot din ng ‘good luck’ si Duterte para sa susunod na assignment ni Zhao.
Ipinanganak ang Chinese ambassador noong December 1965 at mayroon itong Master’s Degree in World Economy at Master’s Degree in International Policy and Practice mula sa Nankai University at Elliott School of International Affairs, George Washington University
Si Zhao ay naging envoy ng China sa Pilipinas taong 2014.
Bago matalaga sa bansa, siya ay naging ambassador ng China sa Republic of Liberia mula 2010 hanggang 2013.