Panibagong oil price rollback epektibo na ngayong umaga

File photo

Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang price rollback ang mga kumpanya ng langis.

Batay sa abiso ng Flying V, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil, Shell at Total P0.45 ang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Kakarampot naman na P0.10 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Habang ang kerosene o gaas ay mananatili sa kasalukuyang presyo.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel Linggo ng hapon.

Mas malaki ang rollback ng Cleanfuel na umabot sa P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.20 sa diesel.

 

Read more...