Mga pasahero patuloy ang pagdagsa sa mga pantalan, umabot sa higit 72,000

File photo

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para umuwi sa kanilang mga probinsya habang papalapit ang Undas.

Ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi, umabot sa 72,226 ang outbound passengers sa mga pantalan.

Pinakamarami ang mga pasahero sa Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Guimaras) na may kabuuang 18,674.

Sumunod ang Central Visayas (Cebu, Bohol, Southern Cebu, Camotes) na may 14,983.

Marami na rin ang pasahero sa Southern Tagalog at Northern Mindanao na may higit tig-7,000.

Ang monitoring ng PCG ay isinasagawa katuwang ang Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos #Undas 2019.

Read more...