Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.8 ang lindol na tumama sa Surigao del Sur alas-10:23 ng gabi.
Ang episentro ng pagyanig ay sa layong 17 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Marihatag.
May lalim ang pagyanig na 27 kilometro.
Alas-11:15 naman ng yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Antique.
Ang episentro ng naturang lindol ay sa layong 80 kilometro Timog-Kanluran ng bayan Anini-y.
Mababaw naman ito at may lalim lang na anim na kilometro.
Tectonic ang mga dahilan ng pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES