Shizunai, Japan niyanig ng Magnitude 6.7 na lindol

hokkaido-647_011416092338Malakas na magnitude 6.7 na lindol ang tumama sa northern Japan alas 12:30 ng tanghali sa Japan, alas 11:30 naman oras dito sa Pilipinas.

Sa datos ng Japan meteorological agency, naitala ang sentro ng pagyanig sa 51 kilometers southeast ng Shizunai City.

Inaalam pa kung nagdulot ng pinsala ang naganap na lindol.

Bagaman walang inisyung tsunami warning matapos ang pagyanig, pinapayuhan pa rin ng mga otoridad ang mga residente na umiwas muna sa pananatili sa coastline.

Noong March 11, 2011, tumama sa northeast coast ng Japan ang malakas na magnitude 9.0 na lindol na sinundan ng tsunami.

Read more...