8 base militar, ipapagamit sa US troops

 

Inquirer file photo

Hanggang walong base militar sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang target na ipagamit sa mga sundalong Amreikano na bibisita sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Ayon kay Col. Restituto Padilla, isinasapinal na ng AFP kung alin-alin sa mga base militar ang mga maaring ipagamit sa kanilang mga US counterparts.

Kabilang sa mga lugar na ikinukunsidera ay ang Basa Air Base sa Clark, Pampanga at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Benito Ebuen Airbase sa Mactan, Cebu; Clark Air Base; Lumbia Airfield sa Cagayan de Oroat dalawa pang base militar sa Palawan at Cebu.

Ipinaliwanag ni Padilla na papayagan ang mga kagamitan ng Amerika na maimbak sa mga military bases dahil maaaring mapakinabangan din din ang Pilipinas sa mga ito.

Sakali aniyang mangailangan ng agarang responde ang bansa sa panahon ng kalamidad, agad na makakatugon ang US forces at mapapahiram ang kanilang mga equipment.

Karamihan aniya na ilalagay sa mga bases ay pawang mga gamita sa humanitarian assistance at disaster response.

Sa ilalim ng EDCA na kinatigan ng Korte Suprema, magagawang makapagpadala ng karagdagang tropa ang Amerika sa PIlipinas.

Read more...