Duterte aminado na supporter niya ang pinatay na mayor ng Clarin, Misamis Occidental

CDN photo

“He was my supporter…Mayor Navarro.. yung namatay, sumuporta yun sa akin last election”.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapatay si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa ambush sa Cebu City noong nakaraang linggo.

Pero kalaunan ay napasama si Navarro sa narco list na inilabas ng pangulo.

Ayon sa pangulo, nakausap niya si Navarro may dalawang linggo na ang nakararaan at iginiit ng mayor na may gustong pumatay sa kanya.

Hinala ng pangulo, maaring pulis din ang pumatay kay Navarro.

Namatay si Navarro habang nasa kostudiya ng pulis at patungo sa isang court hearing.

Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Duterte si Philippine National Police na itigil na ang ginagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Navarro at ibigay na lamang sa National Bureau of Investigation (NBI).

Base sa listahan ng PNP, pitong mayor na pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga ang napatay na sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Read more...