Duterte aminadong dismayado sa PNP dahil sa “ninja cops”

Inquirer file photo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dismayado siya sa patuloy na pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa isyu ng pagre-recycle sa iligal na droga.

Sa kanyang pahayag sa panunumpa ng mga bagong appointed government officials sa Malacanang, sinabi ng pangulo na masama ang kanyang loob dahil sa pamamayagpag ng “ninja cops”.

Sinabi ng pangulo na ipinaglaban niya sa mga mambabatas na mapagtibay ang panukala para sa dagdag na sweldo sa mga pulis at sundalo pero marami pa rin sa mga ito ang sangkot sa mga iligal na gawain.

Ayon sa pangulo, “Now I can tell you, the first time that I expressed my disappointment and was ready to let go of the presidency was during in time in Congress when I was debating on the, yung doblado na yung sweldo ng military pati police. You must at least realize the importance of helping out our soldiers and policemen, lalo na sa pulis, in the hope that they do not, you know, baka makatulong”.

Ipinaliwanag naman ng pangulo na ipauubaya na niya kay Interior Sec. Eduardo Ano ang imbestigasyon para sa ninja cops.

Pag-aaralan rin niya ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kaugnay sa pagsasampa ng kaso sa mga pulis na sangkot sa kontrobersiyal na drug trade sa Pampanga noong 2013.

Ito ang naging dahilan ng pagbaba sa pwesto ni PNP Chief Oscar Albayalde.

“Ngayon I cannot  just adopt the investigation of the Senate because the Senate is not under me nor am I under the Senate. So kung ano yung investigation nila, reviewhin ko at kung tumama naman sa lahat, on all force to a tee, then I will just adopt some but not all, maybe in form or in whatever in the definition of the crime to make it more clear sa magbasa ng kaso”, ayon pa sa pangulo.

Read more...