Ayon kay Cayetano, kung sakali mang gustuhin at hilingin ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa kanya na ituloy-tuloy na ang termino ng pagka-Speaker pagkatapos ng 15 buwan ay nakahanda siya dito.
Naniniwala ito na bilang public servant sa sariling kakayahan kaya kung pagkakatiwalaan siya ni Velasco na pamunuan hanggang sa matapos ang 18th Congress ay gagawin niya ito.
Pero iginiit ni Cayetano na irerespeto niya ang naunang kasunduan na term-sharing kay Velasco at wala siyang dapat ikabahala dito.
Kinikilala din niya si Velasco bilang head ng political party ni Pangulong Duterte at malaki ang paggalang niya dito.
Sa ilalim ng term sharing agreement, si Cayetano ang mamamahala sa unang 15 buwan ng 18th Congress habang si Velasco naman ang mamumuno sa natitirang 21 buwan.