“Divorce from reality”.
Ito ang naging tugon ng Malacanang sa banat ni Vice President Leni Robredo na kinakailangan na kilalanin muna ng China na mayroong soberenya ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) bago ituloy ang nakaakmang joint oil exploration deal ng China at Pilipinas sa naturang lugar.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi maintindihan ng Palasyo kung saan humuhugot si Robredo ng naturang mga pahayag dahil pawang malayo sa katotohannan ang mga pahayag nito.
Inihalimbaw ni Panelo ang pahayag ni Robredo na failure o palpak umano ang anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte subalit nang mabanatan ay bigla namang kumambiyo.
Ayon kay Panelo, base sa kanyang pagkakaalam tuloy ang joint oil exploration deal basta’t paborable sa Pilipinas ang terms and conditions.
Sa kasalukuyan, nagkasundo ang China at Pilipinas na 60-40 ang hatian kung saan mas malaking share ang makukuha ng bansa.
Ayon kay Panelo, kahit na hindi kinikilala ngayon ng China ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay bukas naman ito sa negosasyon.