Code of the conduct of parties sa South China Sea, maaring idiga ni Pangulong Duterte sa ASEAN Summit

Tutulak na si Pangulong Rodrigo Duerte sa Thailand sa November 1 para dumalo sa 35th Asean Summit.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang sinabi ni DFA Asec. Juniver Mahilum-West, na maaring ungkatin ni Pangulong Duterte ang usapin sa code of conduct of parties sa South China Sea.

Unavoidable o hindi aniya maiiwsan ang usapin sa South China Sea dahil sa dami ng mga bansang umaangkin.

Samantala, ilang ASEAN leaders at dialogue partners ang gusto umanong maka-bilateral meeting si Pangulong Duterte at isinasapinal pa.

Makakasama ni Pangulong Duterte sa biyahe si Honeylet Avanceña dahil may dadaluhan din itong spouses event sa ASEAN Summit.

Read more...