Binabantayang LPA ng PAGASA nasa Palawan na; posibleng maging bagyo sa susunod na mga oras

Posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 na oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 220 kilometers East Southeast ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, MIMAROPA, Aurora, at Quezon.
Sa sandaling maging ganap na bagyo ang LPA ay papangalanan itong Quiel.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o landslides.

Read more...