Shaina Magdayao nagparamdam sa social media matapos mabalitang patay na

Nagparamdam sa social media ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao.

Kasunod ito nang kumalat na balitang namatay na siya.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account itinanggi ni Shaina ang balita na dead-on-arrival siya sa ospital.

Ang fake news ay kumalat sa social media kung saan sinasabing isinugod sa ospital ang aktres at hindi na umabot ng buhay.

Nag-post si Shaina ng larawan sa kanyang Instagram at nilagyan niya ito ng caption na “ I’m back Or should I say, I’m ALIVE…”

Mahigit isang buwan na namahinga sa social media si Shaina dahil sa pagiging abala sa ilang proyekto kabilang dito ang pelikulang “Ang Hupa” ni Lav Diaz na muling mag-iikot sa mga international film festival.

Read more...