Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, kabilang sa makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Tarlac, Bataan, Rizal, Cavite, Quezon at Zambales.
Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa nasabing mga lugar n amay kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin.
Ayon pa sa PAGASA ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa General Tinio, Gabaldon, San Antonio, San Isidro, Cabiao, Santa Rosa at Jaen sa Nueva Ecija; Magalang, Arayat, Santa Ana, Candaba, San Luis, San Simon, Santo Tomas, San Fernando, Mexico at Minalin sa Pampanga; Malolos, Plaridel, Hagonoy, at Paombong sa Bulacan; Cabuyao, Santa Rosa at San Pablo sa Laguna at sa Lemery at Laurel sa Batangas.
Pinapayuhan ang mga residente sa nasabing mga lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Ito na ang ikalimang thunderstorm advisory na inilalabas ng PAGASA para sa NCR at Luzon ngayong araw..