Pangulong Duterte nagalit sa muling pag-iral ng water interruption sa Metro Manila; kontrata ng water concessionaries ipinabubusisi sa MWSS

By Chona Yu October 28, 2019 - 11:38 AM

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na rebyuhin at busisiin ang kontrata ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, nagagalit na naman kasi si Pangulong Duterte sa ipinatutupad na water interruption sa Metro Manila.

Katwiran kasi aniya ng pangulo, hindi na dapat na nararanasan. G mga tagametro manila ang rotational water interruption dahil naranasan na ito noong Marso at nabigyan na ng solusyon.

Nais ng pangulo na malaman kung may paglabag o may pananagutan ang mga water concessionaires.

Malabo naman aniya na ibalik sa gobyerno ang pamamahala sa mga water concessionaires dahil masalimuot ang proseso nito.

Matatandaan na ng magkaroon ng kakapusan sa suplay ng tubig noong Marso, nagbanta sa Pangulong Duterte na susugurin niya ang tanggapan ng mga water concessionaires at ipasasara o ‘di kaya ay kakanselahin ang kanilang mga kontrata.

Ilang araw lamang matapos magbanta ang pangulo, agad na naayos ang problema at bumalik na sa normal ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

TAGS: manila water, maynilad, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, us box office, Water supply, manila water, maynilad, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, us box office, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.