Al Jazeera TV sa America, isasara na

Al Jazeera AmericaMagsasara na ang cable news outlet na Al Jazeera America makalipas ang halos tatlong taon na launching nito.

Ang Al Jazzera TV ay cable television news outlet na pag-aari ng Al Jazeera Media Network na naka-base sa Qatar.

Sa pahayag ng network, sa April 30 ay ititigil na nila ang operasyon ng Al Jazerra TV America.

Tinukoy ng network ang ‘economic challenge’ sa American media market bilang dahilan ng pagsasara.

Noong 2013, binili ng Al Jazeera ang ‘Current TV’ na isang US-based television network at pag-aari ni dating US Vice President Al Gore at business partner niyang si Joel Hyatt sa halagang $500 million.

Sa pagsasara ng kanilang cable TV sa Amerika, sinabi ng Al Jazeera na palalawigin na lamang nila ang kanilang international digital services sa Estados Unidos lalo pa at ang mga consumers ngayon ay lumilipat na sa digital media gamit ang kanilang smart phones at tablets.

Read more...