Ayon kay Roland Bas, supervisor ng Talisay City – Traffic Operation Development Authority (CT-TODA), naganap ang aksidente alas 6:25 ng umaga.
Patungo aniya ng Cebu City ang mga pasahero sakay ng jeep na minamaneho ni Ranilo Ababa nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.
Tumama muna sa center island ng kalsada ang jeep at saka tumagilid dahilan para masugatan ang sampung pasaherong sakay nito.
Apat sa mga sugatang pasahero ay dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City habang ang anim na iba pa ay dinala sa Talisay City District Hospital.
Dinala naman sa police station si Ababa para isailalim sa imbestigasyon.
Ang nasabing driver ay nagtamo rin ng galos at pasa sa kaniyang kamay.