Mga lalawigan sa Central at Southern Luzon na makararanas ng pag-ulan nadagdagan pa

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang maraming mga lalawigan sa Southern at Central Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 10:12 ng umaga ng Lunes (Oct. 28), nadagdagan pa ang mga lalawigang makararanas ng pag-ulan.

Kabilang dito ang Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas at Rizal sa susunod na dalawang oras.

Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan na may kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin.

Parehong lagay ng panahon din ang nararanasan sa Lucban at Tayabas sa Quezon.

Maaring makaranas ng pagbaha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...