Bulacan at Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang aasahan sa lalawigan ng Bulacan sa susunod na dalawang oras.

Ito ay batay sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 8:23 ng umaga ng Lunes, Oct. 28.

Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa lalawigan.

Parehong lagay ng panahon din ang nararanasan sa mga bayan ng Panukulan at Burdeos sa Quezon.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha na maaring maranasan.

Read more...