Ayon sa update mula sa PCG, nakapagtala ng kabuuang 29,822 na outbound passengers sa nasabing mga oras.
Sa mga pantalan sa Central Visayas nakapagtala ng pinakamaraming pasahero na umabot sa 9,448.
Ito ay sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes Island.
Sa Southern Tagalog naman ay umabot sa 5,256 ang mga bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro at Romblon.
Sa Western Visayas umabot sa 4,478 ang bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Antique, Aklan, Iloilo at Guimaras.
Marami na ring pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa South Eastern Mindanao,
Bicol, Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Southern Visayas.
Magpapatuloy ang monitoring ng mga bumibiyaheng pasahero ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019”.